Updated June 06, 2009 12:00 AM
(by Rudy Andal)
MANILA, Philippines - Nagtampo si dating United Opposition (UNO) spokesman Adel Tamano sa naging pahayag ni dating Pangulong Estrada na hindi siya kawalan sa ha nay ng oposisyon dahil isa lamang siyang ‘spokesman’.
Sinabi ni Atty. Tamano, kasalukuyang pangulo ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at dating spokesman ng UNO, igina galang niya ang naging opinion ni dating Pangulong Erap dahil sa pag-alis niya sa UNO.
Nanumpa kamakailan si Tamano bilang miyembro ng Nacionalista Party (NP) ni Sen. Manuel Villar Jr.
“Medyo masakit marinig na parang balewala ang ginawa ko bilang spokesman ng UNO pero nirerespeto ko ang opinion ni dating Pangulong Erap. Now that I am with the NP, I hope they will appreciate whatever contribution I can make to the party,” paliwanag pa ni Tamano.
Naunang sinabi ni Erap na hindi kawalan si Tamano sa oposisyon dahil hindi naman ito opisyal ng UNO tulad nina Sen. Ernesto Ma ceda at Makati Mayor Jejomar Binay bagkus ay isang ‘spokesman’ lamang ito.
Read from http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=474832&publicationSubCategoryId=92
Labels: Adel, Erap, Nacionalista, News, United Opposition