Adel Tamano’s Speech for UNO at December 12 Rally
MAGKAISA TAYO!
- ni Atty. Adel A. Tamano
Bismillah Hi Rahman Hi Raheem. Asalaamu Alaikum.
Isang mainit na pagbati ng kapayapaan sa ating lahat.
Halos hindi ko magbikas ang aking kasiyahan dahil nagkaka-isa tayong lahat sa ating pagtutol sa Charter Change.
Maraming nagsasabi na watak-watak ang oposisyon. At gusto ni GMA na magka-watak-watak tayo. Divide and conquer ika nga. Ang mayaman kalaban ang mahirap; Muslim laban sa Kristiyano; Edsa Dos laban sa Edsa Tres.
But today we have shown GMA that on this issue of charter change, we can unite and stand here – for this brief shining moment – as one nation and as one people.
Do not forget this moment because if we can unite against charter change, then we can unite against the other problems that are destroying nation - Corrupsyon. Kahirapan. At ang bulok na sistema at gobyerno ni Ginang Arroyo.
Kailangan natin ng pagbabago. We need change, pero hindi charter change. Ang kailagan natin ay CHARACTER CHANGE. Pagbabago ng mga namumuno at pagbabago nating lahat.
If the Filipino people can unite as one family and one country, then nothing – absolutely nothing – can stop us from becoming a great nation.
Dahil Muslim man o Kristiyano, mayaman o mahirap, tayo ay isang dakilang bansa at tayong lahat ay Pilipino na naghahangad ng tunay na pagbabago.
MAGKA-ISA TAYO AT MABUHAY ANG PILIPINAS.
(From: http://oppositeofapathy.wordpress.com/2008/12/14/adel-tamanos-speech-for-uno-at-december-12-rally/)
Labels: Adel Speech